Saturday, July 07, 2007

wala lang.

first long exam namin sa thursday sa math 53. i'm doomed. wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi ni sir wong. letnye. pagkagulo-gulong epsilon delta definition. limits lang naman ang pinatutunguhan. putek. pero this time hindi na ko magrereklamo. anong irereklamo ko e gagamitin ko naman talaga to sa course ko. eto ang hirap sa college. wala ka ng excuse, lalo na kung second year ka na. di tulad ng highschool.. "halur, anong gagawin ko sa MAPEH? sa PE? sa TLE? eh mag kaya ako. konek?" hay buhay, sana tanduay ka nalang. lalong tumatagal laolong sumasarap. kaso, hindi eh. lalong tumatagal lalong humihirap ka. gusto ko ng tumalon sa overpass! waaaaaaah! suicidal nako lataley..hehe. ayaw ko ng mag-isip. ayaw ko na talaga. gusto ko nalang maging bula at bigla nalang mawala. obvious ba, nahihirapan nako. sobra. hindi ko alam kung anong uunahin ko. math ba, physics ba, o chem ba. sa mantalang yung mga classmate ko may panahon pang magsasali ng org. sino ba kasing nagsabing mag-shift ako? at lalo ng magtransfer ako? ang sarap na ng buhay ko sa baguio iniwan ko pa! pusang gala. itong lalong mas mahirap. ako din ang sasalo sa tanong na yun. ako nag-desisyon eh. sana man lang pinilit ako, para naman may masisi ako. kaso hindi eh. may pagrow-grow pa kasi akong nalalaman. nag-ggrow ba ko? feeling ko nabobobo lang ako eh. sana kasi kasing talino ko nalang rin sila. konting explain lang gets na. bakit kasi ang slow ko? nagtataka din ako. after 48 years bago ako mapa-"ahh". sa kakaisip ko, naisip kong baka kulang lang ako sa focus at time management. matagal ko naring problema ang dalawang yun ha..ngayon pa sila lumala. basta. ayaw ko na. ayaw ko na. ayaw ko na!!!!!!! pero kahit ilang beses kong sabihin na ayaw ko na, hindi parin ako makaalis. ano naman kasing gagawin ko? aalis sa school? tatambay sa bahay? magtatrabaho? hindi pwede yun. kaya kahit ilang beses kong sabihin na ayaw ko na, hindi ako pwedeng sumuko. marami pang ibang mangyayari pag sinuko ko ito. sesermonan ako ni budj. sisipain at kakagatin ako ni aika. lilibre ko si father. kamusta naman yun. at hindi rin ako pwedeng tumalon sa overpass. alam ko naman, mas malaking katangahan yun. hindi naman matatapos ang problema kung hindi haharapin. edi harapin. zero kung zero. sabi naman ni father laging talo sa una ang mga bida. kung si naruto nga tatlong beses bumagsak sa kagebunshin eh. pero hindi ko naman totally tutularan si narito. hindi naman ako pwedeng buamagsak ng tatlong beses noh! bahala na si lord.
weekend nanaman. tapos buajs, sunday na..babalik nanaman ako. tapos monday na. ayaw ko ng monday.
oo nga pala, na-invite ko sa isang org. umbrella org ng beta sigma. exclusive for girls. exclusive din a sense na hindi laht ng babae ay pwedeng sumali. i repeat, org xa. hindi soro. i felt honored xempre. pero i declined the offer. nakausap ko sila. tumambay ako saglit sa tambayan and all..hindi sa ayaw ko sila kaya ako tumanggi. ang bait nga nila eh. alam kong marami silang maitutulong sakin at marami akong matututunan sa kanila. siguro magiging kasundo ko rin sila if i gave that opportunity a chance..kaso alam kong hindi ako yung tipong mahilig sa org. generally. as in wala akong balak sumali sa kahit anong org. ewan. loner yta ako? wala lang. xempre hindi naman dahil ayaw ko ng mga bagong kaibigan.. pero parang masaya na ko sa kung pano ako ngayon. masaya na ko sa low profile. haha..un. feeling ko na0offend sila sa hindi ko pagsali. kasi nga naman, hindi naman laht iniinvite nila.. pero ganun talaga eh..
ito siguro ang pinakamahabang post ko. haha.
oo nga pla, nalaman ko kahapon na kaya hindi nahuhumling ang aking crush sa akin ay dahil..inggit xa sakin..pero hindi pa naman confirmed yun. sabi nga ni chony, "hindi ibig sabihin na tuyo ang buhok ay hindi na naliligo".
ok. nakapglabas nako ng hinanakit sa mundo..gagawa nako ng lab report. =)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home