Friday, March 16, 2007

napakabarriotic ng post na ito.

kaninang umaga pa ko disoriented. muntik na nga ko masagasaan eh. hai nko. tpos di ko alam kung anong gagawin ko. ang dami kasi. di ko alam kung anong uumpisahan. one week nalang...huling banat na to... at eto ako, nauwi sa internet cafe, nagblog, at nag-sayang ng oras at pinanood ang bagong video ni avril.
excuse: i just need time to slow things down for a while.

speaking of avril, i don't know if i liked her new music video or not.

anyway, hmm..wala lang..

i'm enjoying things now. although stressed parin, i can now smile.

thank you father and mr.wil. :)

"emotions last for only twelve minutes. the rest are self-inflicted."
sa madaling sabi, nag-iinarte lang ako.

ah ganito nalang, kwento ko nalang ang aking jinx week.

i cannot anymore remember when it started. basta this week. ganito kasi yun..isang gabi, atat akong mag-charge ng phone dahil i am on the brink of finding my long lost crush named SAMUEL SURIAGA (trivia: sobrang crush ko yun nung grade three. kso bigla xang naglaho for an unkown reason at yun nga, hindi na muling nag-krus ang aming landas). so yun, sinaksak ko yung charger sa extension sa kwarto. kso ayaw mag-charge. lumabas ako, tiningnan ko kung nakasaksak yung extension. hindi siya nakasaksak. e di sinaksak ko. tapos...

HAPPY NEW YEAR!

may nag-spark na parang lusis from the plug. the next thing i know, madilim na.

sa kasagsagan ng pghahanap ko sa aking crush at sa pagseseryoso ng aking pag-aaral, namatayan kami ng kuryente. nkkairita ang feeling kapag bahay niyo lang ang madilim habang maliwanag sa lahat. lalo na pag ikaw ang may pakana ng mga pangyayari.

pero wla eh. tiningnan na ng boardmate ko. di daw simpleng sira. nung oras na yon, inisip ko narin kung san ako lilipat. xempre, tinxt ko si tita mel. sabi niya bukas nalang daw. so, wlang magawa dahil madilim, tinulog ko nalang.

the next day...

naisipan kong mag-maganda kaya nag-sandals ako. one inch lang naman takong nun... pero dahil siguro itinadhan, nagyari ang di inaasahan. nadapa ako. haha. as in todo landing sa sahig. yung tipong nasubsub. until know i still have the bruises. buti nalang lagi akong nka-pants kaya kembot lang ang lola mo. dahil may psok ako nun at in fairness, late nako.. tumayo lang ako na parang walang ngyari at pumuntang skul. wlang nkakaalam na ang sakit ng tuhod ko. haha. buti nalang wlang nakakita. hahaha.

tapos nun..

tapos ng zoo nmin, we went to the lib.. pagpasok ko..

tut-tut-tut-tut-tut.

nagiskandalo ako sa lib. nabulgar ang laht ng laman ng bag ko at nabulabog laht ng papasok at palbas ng lib. yung pesteng organizer lang pla nag dhilan.

eto pa.. papuntang sm.. natapilok nnman ako. buti nalang nasalo ako ni fiorella. haha.. di ko alm kung bakit ako natatapilok. dati nga two inches pa heels ko at umaakyat pa ko ng isang 75 degrees inclined plane pero di naman ganito..

tapos nung papauwi na ko.. habang inaakyat ko ang nabanggit na 75 degrees inclined plane, i was really praying na sana may ilaw na kami.. sabi ko di ko na hahanapin si samuel mag-kailaw lang kami. guess what, may ilaw na nga kami pag-uwi ko. so... parang ayaw lang ni lord na ma-locate ko siya...haha..

next day...

practical exam sa chem! analysis of cations and anions. sa kamalasmalasan, napunta sakin ang 'white solution' habang blue at orange ang sa kanila. habang alam na nilang copper at iron ang kanila, wala akong idea kung pano ma-iidentify ang sakin. naiiyak na nga ko eh. pero.. with the Lord's help.. nakuha ko naman.. finals nalang problem ko! yahoo!

hai.. nabawasan na ang kaguluhan na aking nadarama. uwi muna siguro ako. mag-lalaba. haha. napakabariotic ng post na ito.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home