power
A new beginning requires a new level of commitment.
Hindi lang ito ang plano para sa akin. Kung ano mang meron ako ngayon, masyado itong maliit para sa kakayahan ng gumawa at nagplano ng lahat. Kaya hindi ako pwedeng maniwala na hanggang dito nalang. Pwede din pala. Kasi hindi lang naman siya ang factor. Ako din. Kahit mas marami pa siyang pwdeng gawin at kayang gawin, kung hanggang dito nlng ako, hanggang dito nlang talaga. In the end, ako din ang nagddetermine. Kahit marami pa syang pwde ilagay, hindi na pwde kung hindi na kaya ng lalagyan. Sa ngayon, ito na ang sakto sa lalagyan. Kaya ayan, eto na.
Quality Control
12
Pwde narin naman. May trabaho nako. May disciples naman ako. Ang dami na nga namin sa lagay na ito eh. Layo na nga rin ng narating ko sa lagay na to. Okay na. Pero nakakainsulto talaga to para sa kanya.
Pwde pa more. Pwde akong maging millionaire. Pwde din akong sumweldo ng 6 digits per month. Pwede pa akong maging leader of 144 leaders. Kasi nga limitless ang God ko. Malay mo makapag-artista pa ako. Hahaha. Kailangan ko lang maging mas malaking lalagyan. Kailangan maging seryosong committed. Hindi na pwdeng mukang committed lang. May form walang power. Hindi na pwdeng comitted lang sa gusto. Kailangan committed sa big picture, lahat ng sulok, lahat ng anggulo.
Yung susunod kong work, committed na. Hindi malelate. Hindi magrereklamo. Hindi babalewaliin ang mga instructions. Will go the extra mile.
Narealize ko din na nakadena nako sa thought na "successful" ako in the past. Nalulungkot ako ngayon kasi nahirapan ako magconsolidate. Parang ang tigas ng mga tao. Parang ang hirap mag-disciple. So ako parang sige backslide nalang kayo. Mahirap talaga, ganun talaga. Let it be let it be. Mali eh. Dapat committed akong leader. Hindi ko sila pwdeng iexpect na maging committed kay Lord kung hindi ko kayang maging comitted sa kanila. As their leader, dapat committed ako na mag-grow sila. Yun ang consolidation eh- committed kang bumreakthrough sila. Kung hanggang dito lang ang commitment ko sa kanila, wala akong karapatang magdemand ng commitment sa kanila.
Humanda kayo. Mamahalin niyo si Lord. Sa ayaw at sa gusto niyo.
Mas magiging committed pa ako. Mas magiging faithful pa ako.
Minsan maiingit ka nalang. Bakit sila ganito ganyan. Pero sige lang. There is power if I stay faithful in my season. There is power if I stay in my place.
Breaking free from mediocrity.
Kakaiba talaga ang wisdom ng aking mga pastor.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home